(Antonino T. Kabigting Jr. - October 3, 1934 - June 7, 2010)
Ang pagkawala ng isang mahal sa buhay ay isa sa mga pinakamahirap na bagay na ating mararanasan. Lalo na kung ito ay ang ating magulang. Walang kahit anong salita ang pwedeng magpaliwanag ng aking dinaranas ngayon. Panahon... sigurado ako na tanging panahon lamang ang makatutulong upang matanggap ko ang bagay na ito.
Panahon, only time…
Ecclesiastes
Chapter 3
1 There is an appointed time for everything, and a time for every affair under the heavens.
2 A time to be born, and a time to die; a time to plant, and a time to uproot the plant.
3 A time to kill, and a time to heal; a time to tear down, and a time to build.
4 A time to weep, and a time to laugh; a time to mourn, and a time to dance.
5 A time to scatter stones, and a time to gather them; a time to embrace, and a time to be far from embraces.
Sabi nga sa ika-tatlong kabanata ng Mangangaral
1 Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.
2 Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim.
3 Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo.
4 Ang panahon ng pagluha at panahon ng kasiyahan; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang.
5 Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito;
ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo.
Nung maliit pa kami ng aking kapatid, takut na takot kami sa aming tatay. Di ko noon alam ang dahilan ng mga ito. Yun pala ay tinuturuan nya kami ng isang makabuluhang aral sa aming buhay – ang tumayo para sa aming mga sarili at sa aming pinaniniwalaan. Kaya dahan-dahan ay napagtanto kung bakit ganun ang pagturing niya sa amin.
Naramdaman ko, pero mas ikinagalak ko na malaman mula sa bibig ng ibang tao kung gaano kamahabagin at kabait na tao ang aking tatay. Alam ko rin na ang pinakamahalaga sa kanyang buhay ay kami – ang kanyang pamilya. Kahit di niya sinasabi sa amin, alam ko na ipinagmamalaki niya ang naging katayuan namin. Nakarating kami sa aming kinahantungan dahil may ama kaming tulad niya. Maraming nakakaalam na hindi naman siya mapagpakita ng kanyang damdamin. Malamang kasi hindi naman kami “showy.” Mamamalas mo na lang sa kanya na ang galling ng ginawa mo. At makita mo lang sya ng ganon ay parang ikaw na ang hari ng mundo. Bago ako umalis ng Ghana, pauwi ng Pilipinas, sinabi sa akin ng aking kaibigan na kahit hindi pa niya nakakasalamuha ang aking tatay ay iparating ang kanyang pasasalamat at paghanga sa pagpapalaki sa amin na mabubuting tao.
Sobra siyang istrikto bilang isang ama pero dahil kinakalinga nya kami. Mabait siya sa mga kaibigan niya at laging handang tumulong. Laging may solusyon at mapamaraan para maging simple ang mga bagay. Hindi siya humingi ng tulong mula kanino man ngunit siya ay mapagbigay.
Lagi na lang nating alalahanin ang mga ibinahagi niya sa ating buhay. At maging malugod sa panahong ito na siya ay umuwi na sa bahay ng Panginoon na siyang nagkakaloob ng kahulugan ng buhay.
Sa ngalan ng aking Nanay na si Naty, ang aking kapatid na si Joy, kapisan si Richard, si Jhon Clarence and Angel Alyssa, kami ay nagpasalamat sa inyong lahat lalo na:
kina Ate Bebe at Kuya Ading de Vera, na nangasiwa sa pag-aayos ng serbisyo habang kami ay wala pa;
kay Tita Nor Villano, na nangasiwa upang mapagsilbihan ang mga taong dumalaw sa amin sa panahon ng aming pagdadalamhati;
Kay Kuya Ben at Kuya Jimmy na katulong sa pag-aalaga ng magkasakit ang aming ama;
Catholic Womens' League, Paska, Kriska, Samahan ng mga Puso, Retired Teachers, Senior Citizens, Diabetics Club;
at sa mga pinsan, mga makamag-anak, mga kaibigan, mga kapitbahay.
Hayaan ninyong sa aking pagtatapos ay ibahagi ko ang Panalangin ni Blessed Rupert Mayer, isang Heswita:
Lord, what You will let it be so
Where You will there we will go
What is Your will help us to know
Lord, when You will the time is right
In You there's joy in strife
Because You will it, it is best
Because You will it, we are blest
Till in Your hands our hearts find rest
* * *
Panginoon, ang Iyong loob ay maging
Kung saan Mo loobin, dun kami pupunta
Kung ano ang loob mo, tulungan mo kaming malaman
Panginoon, ang loobin mo ay panahong tama
Sa Iyo, may ligaya sa gitna ng dalamhati
Dahil niloob mo, ito ay maganda
Dahil niloob mo, kami ay pinagpala
Ang aming mga puso ay hindi mapapalagay
Hanggang pagdating ng panahong aming tangan ang Yong kamay.
June 11, 2010
(translations into Filipino are mine)

No comments:
Post a Comment